Miyerkules, Setyembre 9, 2015

talata 231-235

231. Ang pag-ibig, na umaapaw sa mumunting mga gawa ng sama-samang pangangalaga, ay pambayan at pampulitika rin, at pinararamdam ito sa bawat aksyon sa paghahanap na mabuo ang isang mas magandang mundo. Ang pag-ibig para sa lipunan at panata para sa pangkalahatang kagalingan ay mga katangi-tanging pagpapahayag ng isang pagkakawanggawang nakaaapekto hindi lamang sa ugnayan sa pagitan ng mga indibidwal kundi pati na rin sa "ugnayang makro, panlipuna, pang-ekonomya at pampulitika". [156] Ito ang dahilan kung bakit itinakda ng Simbahan sa mundo ang ideya ng isang "kabihasnan ng pag-ibig". [157] Ang panlipunang pag-ibig ang susi sa tunay na pag-unlad; upang mas maging makatao ang lipunan, mas karapat-dapat sa tao, dapat ipagkaloob ang pag-ibig sa buhay panlipunan - pampulitika, pang-ekonomya at pangkultura - ng may muling pagpapahalaga, na nagiging palagian at pinakamataas na pamantayan ng lahat ng gawain". [158] Sa ganitong balangkas, kasama na ang kahalagahan ng mumunting pagkilos araw-araw, pinakikilos tayo ng panlipunang pag-ibig na mag-isip ng mas malalaking istratehiya upang mapigil ang pagkasira ng kapaligiran at makahikayat ng isang "kultura ng pangangalaga" na tumatagos sa lahat ng lipunan. Kapag nadama natin na tinatawag tayo ng Diyos na makialam kasama ng ating kapwa sa mga ganitong panlipunang dinamiko, dapat natng mapagtanto na ito rin ay bahagi ng ating ispiritwalidad, na isang gawain ng pagkakawanggawa at, sa gayon, ay nagpapahinog at nagpapabanal sa atin.

232. Hindi lahat ay tinawag upang direktang kumilos sa buhay pampulitika. Mayaman din ang lipunan sa hindi mabilang na dami ng samahang kumikilos upang itaguyod ang pangkalahatang kagalingan at upang ipagtanggol ang kapaligiran, ito may ay likas o nasa lungsod. Halimbawa, ang ilan ay nagpapakita ng malasakit sa mga pampublikong lugar (sa gusali, sa balong ng tubig, sa napabayaang bantayog, sa paysahe, sa parisukat) at pagsumikapang maprotektahan, maibalik, mapabuti o mapaganda ito bilang isang bagay na pag-aari ng lahat. Sa palibot ng ganitong mga aksyong pampamayanan, nabubuo ang mga relasyon o nababawat at isang bagong panlipunang balangkas ang lumilitaw. Kaya, maaaring magsimula ang pamayanan sa kawalang-bahalang idinulot ng konsyumerismo. Nililinang ng mga pagkilos na ito ang sama-samang pagkakakilanlan,  na may kwentong maaaring magunita at maipasa. Sa ganitong paraan, ang mundo, at ang kalidad ng buhay ng mga pinakadukha, ay inaalagaan, nang may pagkakaisa kasabay ng kamalayang nabubuhay tayo sa isang pangkalahatang tahanang ipinagkatiwala sa atin ng Diyos. Maaaring maging masidhing ispiritwal na danas ang mga pampamayanang pagkilo na ito, kapag ipinahayag sa pag-ibig na nag-aalay ng sarili. 

VI. MGA PALATANDAAN NG SAKRAMENTO AT ANG PAGDIRIWANG NG IBA PA

233. Nabubunyag ang sandaidigan sa Diyos, na lubusan itong pinupuno. Samakatwid, may mahiwagang kahulugang matatagpuan sa dahon, sa landas sa bundok, sa isang patak ng hamog, sa muha ng isang dukha. [159] Ang ideyal ay hindi lamang maupasa mula sa labas patungo sa loob upang matuklasan ang pagkilos ng Diyos sa kaluluwa, kundi ang matuklasan din ang Diyos sa lahat ng bagay. Itinuturo sa atin ni San Buenaventura na "lumalalim ang pagninilay habang nadarama natin ang pagkilos ng biyaya ng Diyos sa ating mga puso, at mas mahusay nating natututunang makaharap ang Diyos sa mga nilalang na labas sa ating sarili". [160]

234. Itinuro sa atin ni San Juan ng Krus na ang lahat ng kabutihang naroon sa mga reyalidad at karanasan sa mundong ito "ay may presensya sa Diyos nang may kadakilaan at walang katapusan, o sa mas maayos, sa bawat kahanga-hangang reyalidad na ito ay ang Diyos". [161] Hindi ito dahil ang mga may katapusang bagay ay talagang banal, kundi dahil ang mga mahiwagang karanasan ang malapit na ugnay sa pagitan ng Diyos at ng lahat ng nilalang, at sa gayon ay madamang "ang lahat ng bagay ay Diyos". [162] Namamangha tayong nakatindig sa isang bundok, hindi maihihiwalay ninuman ang karanasang ito mula sa Diyos, at maunawaang ang panloob na takot habang nabubuhay ay dapat ipagkatiwala sa Panginoon: ""Ang mga bundok ay may taas at ang mga ito'y sagana, malawak, maganda, kaaya-aya, maliwanag at mahalimuyak. Ang mga bundok na ito ay siyang Minamahal ko sa akin. Ang malulungkot na lambak at tahimik, kaaya-aya, mahinahon, makulomlim at inaagusan ng sariwang tubig; sa sari-sari nilang halamaman at ang matawis na awit ng mga ibon, kaya nilang magkaroon ng masaganang kaaliwan at kagalakan sa sarili, at sa kanilang pag-iisa at katahimikan, pinapanariwa nila tayo at pinagpapahinga. Ang mga lambak na ito ay siyang Minamahal ko sa akin. [163]

235. Ang Sakramento ay may pribilehiyong paraan kung saan ang kalikasan ay pinanghawakan ng Diyos bilang isang paraan upang mamagitan sa kahima-himalang buhay. Sa pamamagitan ng ating pagsamba sa Diyos, inaanyayahan tayong yakapin ang mundo sa naiibang kalagayan. Ang tubig, langis, apoy at kulay ay tinatanganan sa lahat ng kanilang makahulugang kapangyarihan at isinasama sa ating pagpupuri. Ang kamay na nagbabasba ay isang instrumento ng pag-ibig ng Diyos at isang salaminan ng pagkakalapit ni HesuKristo, na dumating upang samahan tayo sa paglalakbay sa buhay. Ang tubig na ibinuhos sa katawan ng isang bata sa Pagbibinyag ay isang sagisag ng bagong buhay. Ang pakikipagharap sa Diyos ay hindi nangangahulugang pag-alis sa mundong ito o pagtalikod sa kalikasan. ito'y sadyang malinaw sa ispiritwalidad ng Kristanong Silangan. "Ang kagandahan, kung saan sa Silangan ay isa sa pinakaiibig na pangalan na nagpapahayag ng banal na pagkaakisa at isang modelo ng nagbabagong-anyong sangkatauhan, ay lumilitaw sa lahat ng dako: sa hugis ng isang simbahan, sa mga tunog, sa mga kulay, sa mga liwanag, sa mga halimuyak". [164] Para sa mga Kristyano, lahat ng nilalang sa materyal na sandaigdigan ay nakahahanap ng kanilang tunay na kahulugan sa Salitang nagkatawang-tao, pagkat isinama ng Anak ng Diyos sa kanyang pagkatao ang bahagi ng materyal na mundo, inihahasik dito ang binhi ng tiyak na pagbabago. Hindi itinatakwil ng Kristyanismo ang bagay. Sa halip, ang pagkakatawan ay itinuturing sa lahat ng galaga nito sa maliturhiyang pagkilos, kung saan ang katawan ng tao ay nailalantad sa panloob na katangian nito bilang isang templo ng Espiritu Santi at nakipagkaisa sa Panginoong Hesus, na mismong siya'y kumuha ng katawan para sa kaligtasan ng mundo". [165]

Itutuloy...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento