Miyerkules, Setyembre 16, 2015

talata 246 - at talababa

246. Sa pagtatapos ng napakahabang pagninilay na ito na kapwa masaya at nakababagabag, iminumungkahi kong mag-alay tayo ng dalawang panalangin. Ang una'y maibabahagi natin sa lahat ng naniniwala sa isang Diyos na napakamakapangyarihang Manlilikha, habang ang ikalawa, tayong mga Kristyano ay humihiling ng inspirasyon upang tanganan ang panata sa paglikha na itinakda para sa atin ng Ebanghelyo ni Hesus.

ISANG PANALANGIN PARA SA ATING DAIGDIG

Napakamakapangyarihang Diyos, na naroroon sa lahat ng dako
at sa pinakamaliit sa iyong mga nilikha.
Niyapos mo ng iyong pagsinta ang lahat ng umiiral.
Ibuhos mo sa amin ang kapangyarihan ng iyong pag-ibig,
upang maipagsanggalang ang buhay at kariktan.
Punuan mo kami ng kapayapaan, upang kami'y mabuhay
bilang magkakapatid, nang walang sinumang nasasaktan.
O Poon ng mga dukha,
tulungan nyo po kaming sagipin ang mga pinabayaan at kinalimutan ng daigdig na ito, 
na mahalaga sa inyong paningin.
Dalhan mo po ng lunas ang aming mga buhay,
upang maipagtanggol ang daigdig at hindi mapinsala nito, 
upang maihasik namin ang kariktan, hindi polusyon at pagkawasak.
Hipuin mo po ang mga puso
ng mga naghahanap lamang ng kapakinabangan
habang isinasakripisyo ang mga dukha at ang daigdig.
Turuan mo kaming makita ang kahalagahan ng bawat bagay, 
na pupunuan ng pakundangan at pagninilay, 
upang makilalang malalim tayong nakikipagkaisa
sa iba pang nilikha
habang kami'y naglalakbay sa iyong di matingkalang liwanag.
Salamat po dahil araw-araw ka naming nakakasama .
Pasiglahin mo po kami, dalangin namin, sa aming pakikibaka
para sa katarungan, pag-ibig at kapayapaan.


ISANG PANALANGING KRISTYANO SA PAKIKIPAGKAISA SA SANGNILIKHA

Ama, pinupuri ka namin ng lahat ng iyong nilikha.
Nanggaling sila mula sa iyong napakamapagpalang kamay;
silang lahat ay sa iyo, na puno ng iyong presensya at malambing na pagmamahal.
Purihin ka!

Anak ng Diyos, Hesus,
sa pamamagitan mo'y nalikha ang lahat ng bagay
Ikaw na nabuo sa sinapupunan ni Maria, ang aming Ina,
naging bahagi ka ng daigdig na ito, 
at tumitig ka sa mundong ito ng mga mata ng tao.
Ngayon ay buhay na buhay ka sa bawat nilalang
sa iyong papailanlang na kaluwalhatian.
Purihin ka!

Banal na Espiritu, sa iyong kaliwanagan
ginagabayan mo ang mundong ito patungo sa pag-ibig ng Ama
at sinasamahan ang mga nilalang sa paghihinagpis nito sa kahirapan.
Nananahan ka sa aming mga puso
at binibigyang-sigla mo kaming gawin ang nararapat.
Purihin ka!

Poong may tatlong pagkakaisa, nakamamanghang pamayanang may walang hanggang pag-ibig
turuan mo po kaming pagnilayan ka
sa kariktan ng sanlibutan, 
pagkat pinag-uusapan ka ng lahat ng bagay.
Pinukaw ang aming pagpuri't pasasalamat
para sa bawat nilalang na iyong nilikha.
Bigyan mo po kami ng biyaya upang madamang malalim
kaming kasama ng lahatng bagay.

Diyos ng pag-ibig, ipakita mo sa amin ang aming tungkulin sa mundo
bilang daluyan ng iyong pagmamahal
para sa lahat ng mga nilalang sa daigdig na ito,
upang ni isa man ay hindi makaligtaan sa iyong paningin.
Tanglawan nyo po yaong nagtataglay ng kapangyarihan at salapi
upang maiwasan nila ang kasalanan ng pagwawalang-bahala,
upang kanilang ibigin ang pangkalahatang kagalingan, paunlarin ang mahihina,
at pag-ingatan ang mundong tinitirahan natin.
Nananaghoy ang mga dukha at ang daigdig.
O, Panginoon, sakupin mo kami ng iyong kapangyarihan at liwanag,
tulungan mo po kaming ipagsanggalang ang lahat ng buhay,
upang makapaghanda sa isang mas magandang hinaharap,
para sa pagdating ng iyong Kaharian
ng katarungan, kapayapaan, pag-ibig at kariktan.
Purihin ka!
Amen. 

Ibinigay sa Roma sa Saint Peter nitong ika-24 ng Mayo, ang Dakilang Kapistahan ng Pentecostes, sa taong 2015, ang ikatlo ng aking Pontipikasyo.


Francisco


Talababa

[1] Awit ng mga Nilalang, mula sa Si Francisco ng Assisi: Mga Unang Dokumento, Tomo 1, New York-London-Manila, 1999, 113-114.

[2] Apostolic Letter Octogesima Adveniens (14 Mayo 1971), 21: AAS 63 (1971), 416-417.

[3] Pahayag sa FAO sa ika-25 Anibersaryo ng institusyon nito (16 Nobyembre 1970), 4: AAS 62 (1970), 833.

[4] Liham Ensiklikong Redemptor Hominis (4 Marso 1979), 15: AAS 71 (1979), 287.

[5] Sg. Katekesis (17 Enero 2001), 4: Insegnamenti 41/1 (2001), 179.

[6] Liham Ensiklikong Centesimus Annus (1 Mayo 1991), 38: AAS 83 (1991), 841.

[7] Ibid., 58: AAS 83 (1991), p. 863.

[8] JUAN PAOLO II, Liham Ensiklikong Sollicitudo Rei Socialis (30 Disyembre 1987), 34: AAS 80 (1988), 559.

[9] Sg. ID., Liham Ensiklikong Centesimus Annus (1 Mayo 1991), 37: AAS 83 (1991), 840.

[10] Pahayag sa Diplomatic Corps na Kinikilala ng Banal na Sede (8 Enero 2007): AAS 99 (2007), 73.

[11] Liham Ensiklikong Caritas sa Veritate (29 Hunyo 2009), 51: AAS 101 (2009), 687.

[12] Pahayag sa Bundestag, Berlin (22 Setyembre 2011): AAS 103 (2011), 664.

[13] Pahayag sa Kaparian ng Diyosesis ng Bolzano-Bressanone (6 Agosto 2008): AAS 100 (2008), 634.

[14] Mensahe para sa Araw ng Panalangin para sa Pangangalaga ng Sangnilikha (1 Setyembre 2012).

[15] Pahayag sa Santa Barbara, California (8 Nobyembre 1997); Sg. JOHN CHRYSSAVGIS, Sa Lupa tulad ng sa Langit: Pang-ekolohiyang Bisyon at Inisyatiba ng Ekumenikong Patriyarkang si Bartolome, Bronx, New York, 2012.

[16] Ibid.

[17] Pangangaral sa Monastery of Utstein, Norway (23 Hunyo 2003).

[18] “Pandaigdigang Pananagutan at Ekolohikal na Pagpapanatili”, Pagsasarang Pananalita, Halki Summit I, Istanbul (20 Hunyo 2012).

[19] Si Tomas ng Celano, Ang Buhay ni San Francisco, I, 29, 81: sa Si San Francisco ng Assisi: Mga Unang Dokumento, Tomo 1, New York-London-Manila, 1999, 251.

[20] Ang Pangunahing Alamat ni San Francisco, VIII, 6, sa Si San Francisco ng Assisi: Mga Unang Dokumento, Tomo 2, New York-London-Manila, 2000, 590.

[21] Sg. THOMAS OF CELANO, The Remembrance of the Desire of a Soul, II, 124, 165, sa Si San Francisco ng Assisi: Mga Unang Dokumento, Tomo 2, New York-London-Manila, 2000, 354.

[22] SOUTHERN AFRICAN CATHOLIC BISHOPS’ CONFERENCE, Pastoral na Pahayag hinggil sa Krisis Pangkapaligiran (5 Setyembre 1999).

[23] Sg. Pagbati sa mga Kawani ng FAO (20 Nobyembre 2014): AAS 106 (2014), 985.

[24] Ikalimang Pangkalahatang Kumperensya ng mga Obispong Latino Amerikano at Caribeano, Dokumentong Aparecida (29 Hunyo 2007), 86.

[25] CATHOLIC BISHOPS’ CONFERENCE OF THE PHILIPPINES, Pastoral na Pahayag Anong Nangyayari sa ating Magandang Lupain? (29 Enero 1988).

[26] BOLIVIAN BISHOPS’ CONFERENCE, Pastoral na Pahayag sa Kapaligiran at sa Pag-unlad ng Tao sa Bolivia El universo, don de Dios para la vida (23 Marso 2012), 17.

[27] Sg. GERMAN BISHOPS’ CONFERENCE, Commission for Social Issues, Der Klimawandel: Brennpunkt globaler, intergenerationeller und ökologischer Gerechtigkeit (Setyembre 2006), 28-30.

[28] PONTIFICAL COUNCIL FOR JUSTICE AND PEACE, Kompedyum sa Panlipunang Doktrina ng Simbahan, 483.

[29] Katekesis (5 Hunyo 2013): Insegnamenti 1/1 (2013), 280.

[30] BISHOPS OF THE PATAGONIA-COMAHUE REGION (ARGENTINA), Christmas Message (Disyembre 2009), 2.

[31] UNITED STATES CONFERENCE OF CATHOLIC BISHOPS, Global Climate Change: A Plea for Dialogue, Prudence and the Common Good (15 Hunyo 2001).

[32] Ikalimang Pangkalahatang Kumperensya ng mga Obispong Latino Amerikano at Caribeano, Dokumentong Aparecida (29 Hunyo 2007), 471.

[33] Apostolikong sermon na Evangelii Gaudium (24 Nobyembre 2013), 56: AAS 105 (2013), 1043.

[34] JUAN PAOLO II, Mensahe para sa Pandaigdigang Araw ng Kapayapaan 1990, 12: AAS 82 (1990), 154.

[35] ID., Katekesis (17 Enero 2001), 3: Insegnamenti 24/1 (2001), 178.

[36] JUAN PAOLO II, Mensahe para sa Pandaigdigang Araw ng Kapayapaan 1990, 15: AAS 82 (1990), 156.

[37] Katekismo ng Simbahang Katoliko, 357.

[38] Orasyon sa Osnabrück (Germany) sa mga maykapansanan, 16 Nobyembre 1980: Insegnamenti 3/2 (1980), 1232.

[39] Benedicto XVI, Homiliya para sa Taimtim na Pagpapasinaya sa Ministeryong Petrine (24 Abril 2005): AAS 97 (2005), 711.

[40] Sg. Buenaventura, Ang Pangunahing Alamat ni San Francisco, VIII, 1, sa Si San Francisco ng Assisi: Mga Unang Dokumento, Tomo 2, New York-London-Manila, 2000, 586.

[41] Katekismo ng Simbahang Katoliko, 2416.

[42] GERMAN BISHOPS’ CONFERENCE, Zukunft der Schöpfung – Zukunft der Menschheit. Einklärung der Deutschen Bischofskonferenz zu Fragen der Umwelt und der Energieversorgung, (1980), II, 2.

[43] Katekismo ng Simbahang Katoliko, 339.

[44] Homiliya sa Hexaemeron, I, 2, 10: PG 29, 9.

[45] Ang Divina Komedya, Paradiso, Canto XXXIII, 145.

[46] Benedicto XVI, Katekesis (9 Nobyembre 2005), 3: Insegnamenti 1 (2005), 768.

[47] ID., Liham Ensiklikong Caritas sa Veritate (29 Hunyo 2009), 51: AAS 101 (2009), 687.

[48] JUAN PAOLO II, Katekesis (24 Abril 1991), 6: Insegnamenti 14 (1991), 856.

[49] Ipinaliliwanag ng Katekismo na ninais ng Diyos na lumikha ng mundong "naglalakbay patungo sa tiyak na pagpaperpekto nito", at ipinahihiwatig nito ang presensya ng di-pagka-perpekto at pisikal na kasamaan; Sg. Katekismo ng Simbahang Katoliko, 310.

[50] Sg. SECOND VATICAN ECUMENICAL COUNCIL, Pastoral na Konstitusyon sa Simbahan sa Modernong Mundo Gaudium et Spes, 36.

[51] THOMAS AQUINAS, Summa Theologiae, I, q. 104, art. 1 ad 4.

[52] ID., In octo libros Physicorum Aristotelis expositio, Lib. II, lectio 14.

[53] Laban sa kaligirang ito, maaari nating ihanda ang mga ambag ni Fr Teilhard de Chardin; Sg. PAUL VI, Pahayag sa a Chemical and Pharmaceutical Plant (24 Pebrero 1966): Insegnamenti 4 (1966), 992-993; JUAN PAOLO II, Liham kay Reverend George Coyne (1 Hunyo 1988): Insegnamenti 11/2 (1988), 1715; BENEDICT XVI, Homiliya para sa Pagdiriwang ng Vespers sa Aosta (24 Hulyo 2009): Insegnamenti 5/2 (2009), 60.

[54] JUAN PAOLO II, Katekesis (30 Enero 2002),6: Insegnamenti 25/1 (2002), 140.

[55] CANADIAN CONFERENCE OF CATHOLIC BISHOPS, SOCIAL AFFAIRS COMMISSION, Pastoral na Pahayag Iniibig Mo ang Lahat ng Umiiral… Ang Lahat ng Bagay ay sa Iyo, Diyos, Nagmamahal sa Buhay” (4 Oktubre 2003), 1.

[56] CATHOLIC BISHOPS’ CONFERENCE OF JAPAN, Pinagpipitaganan sa Buong Buhay. Mensahe para sa Ikadalawampu’t isang Siglo (1 Enero 2000), 89.

[57] JUAN PAOLO II, Katekesis (26 Enero 2000), 5: Insegnamenti 23/1 (2000), 123.

[58] ID., Katekesis (2 Agosto 2000), 3: Insegnamenti 23/2 (2000), 112.

[59] PAUL RICOEUR, Philosophie de la Volonté, t. II: Finitude et Culpabilité, Paris, 2009, 216.

[60] Summa Theologiae, I, q. 47, art. 1.

[61] Ibid.

[62] Sg. ibid., art. 2, ad 1; art. 3.

[63] Katekismo ng Simbahang Katoliko, 340.

[64] Awit ng mga Nilalang, sa Si San Francisco ng Assisi: Mga Unang Dokumento, New York-London-Manila, 1999, 113-114.

[65] Sg. NATIONAL CONFERENCE OF THE BISHOPS OF BRAZIL, A Igreja e a Questão Ecológica, 1992, 53-54.

[66] Ibid., 61.

[67] Apostolikong sermon na Evangelii Gaudium (24 Nobyembre 2013), 215: AAS 105 (2013), 1109.

[68] Sg. BENEDICT XVI, Liham Ensiklikong Caritas sa Veritate (29 Hunyo 2009), 14: AAS 101 (2009), 650.

[69] Katekismo ng Simbahang Katoliko, 2418.

[70] CONFERENCE OF DOMINICAN BISHOPS, Pastoral na Pahayag Sobre la relación del hombre con la naturaleza (21 Enero 1987).

[71] JUAN PAOLO II, Liham Ensiklikong Laborem Exercens (14 Setyembre 1981), 19: AAS 73 (1981), 626.

[72] Liham Ensiklikong Centesimus Annus (1 Mayo 1991), 31: AAS 83 (1991), 831.

[73] Liham Ensiklikong Sollicitudo Rei Socialis (30 Disyembre 1987), 33: AAS 80 (1988), 557.

[74] Pahayag sa mga Lumad ang Taganayon, Cuilapán, Mexico (29 Enero 1979), 6: AAS 71 (1979), 209.

[75] Homiliya sa Misa para sa mga Magsasaka, Recife, Brazil (7 Hulyo 1980): AAS 72 (1980): AAS 72 (1980), 926.

[76] Sg. Mensahe para sa Pandaigdigang Araw ng Kapayapaan 1990, 8: AAS 82 (1990), 152.

[77] PARAGUAYAN BISHOPS’ CONFERENCE, Pastoral na Pahayag El campesino paraguayo y la tierra (12 Hunyo 1983), 2, 4, d.

[78] NEW ZEALAND CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE, Pahayag hinggil sa mga Usaping Pangkapaligiran (1 Setyembre 2006).

[79] Liham Ensiklikong Laborem Exercens (14 Setyembre 1981), 27: AAS 73 (1981), 645.

[80] Kaya makapagsasalita si San Justino ng "binhi ng Salita" sa mundo; Sg. II Apologia 8, 1-2; 13, 3-6: PG 6, 457-458, 467.

[81] JUAN PAOLO II, Pahayag sa Mga Syentipiko at Kinatawan ng United Nations University, Hiroshima (25 Pebrero 1981), 3: AAS 73 (1981), 422.

[82] BENEDICT XVI, Liham Ensiklikong Caritas sa Veritate (29 Hunyo 2009), 69: AAS 101 (2009), 702.

[83] ROMANO GUARDINI, Das Ende der Neuzeit, 9th ed., Würzburg, 1965, 87 (Sa Ingles: The End of the Modern World [Ang Wakas ng Modernong Mundo], Wilmington, 1998, 82).

[84] Ibid.

[85] Ibid., 87-88 (Ang Wakas ng Modernong Mundo, 83).

[86] PONTIFICAL COUNCIL FOR JUSTICE AND PEACE, Kompendyum hinggil sa Panlipunang Doktrina sa Simbahan, 462.

[87] ROMANO GUARDINI, Das Ende der Neuzeit, 63-64 (Ang Wakas ng Modernong Mundo, 56).

[88] Ibid., 64 (Ang Wakas ng Modernong Mundo, 56).

[89] Sg. BENEDICT XVI, Liham Ensiklikong Caritas sa Veritate (29 Hunyo 2009), 35: AAS 101 (2009), 671.

[90] Ibid., 22: p. 657.

[91] Apostolikong sermon na Evangelii Gaudium (24 Nobyembre 2013), 231: AAS 105 (2013), 1114.

[92] ROMANO GUARDINI, Das Ende der Neuzeit, 63 (Ang Wakas ng Modernong Mundo, 55).

[93] JUAN PAOLO II, Liham Ensiklikong Centesimus Annus (1 Mayo 1991), 38: AAS 83 (1991), 841.

[94] Sg. Pag-ibig sa Sangnilikha. Ang tugong Asyano sa Krisis sa Ekolohiya, Deklarasyon ng Colloquium na inisponsor ng Federation of Asian Bishops’ Conferences (Tagaytay, 31 Enero-5 Pebrero 1993), 3.3.2.

[95] JUAN PAOLO II, Liham Ensiklikong Centesimus Annus (1 Mayo 1991), 37: AAS 83 (1991), 840.

[96] BENEDICT XVI, Mensahe para sa 2010 Pandaigdigang Araw ng Kapayapaan, 2: AAS 102 (2010), 41.

[97] ID., Liham Ensiklikong Caritas sa Veritate (29 Hunyo 2009), 28: AAS 101 (2009), 663.

[98] Sg. Si Vicente ng Lerins, Commonitorium Primum, ch. 23: PL 50, 688: “Ut annis scilicet consolidetur, dilatetur tempore, sublimetur aetate”.

[99] No. 80: AAS 105 (2013), 1053.

[100] SECOND VATICAN ECUMENICAL COUNCIL, Pastoral na Konstitusyon sa Simbahan Hinggil sa Modernong Mundo Gaudium et Spes, 63.

[101] Sg. JUAN PAOLO II, Liham Ensiklikong Centesimus Annus (1 Mayo 1991), 37: AAS 83 (1991), 840.

[102] PAUL VI, Liham Ensiklikong Populorum Progressio (26 Marso 1967), 34: AAS 59 (1967), 274.

[103] BENEDICT XVI, Liham Ensiklikong Caritas sa Veritate (29 Hunyo 2009), 32: AAS 101 (2009), 666.

[104] Ibid.

[105] Ibid.

[106] Katekismo ng Simbahang Katoliko, 2417.

[107] Ibid., 2418.

[108] Ibid., 2415.

[109] Mensahe para sa Pandaigdigang Araw ng Kapayapaan 1990, 6: AAS 82 (1990), 150.

[110] Pahayag sa Pontifical Academy of Sciences (3 Oktubre 1981), 3: Insegnamenti 4/2 (1981), 333.

[111] Mensahe para sa Pandaigdigang Araw ng Kapayapaan 1990, 7: AAS 82 (1990), 151.

[112] JUAN PAOLO II, Pahayag sa ika-35 Pangkalahatang Asembliya ng World Medical Association (29 Oktubre 1983), 6: AAS 76 (1984), 394.

[113] EPISCOPAL COMMISSION FOR PASTORAL CONCERNS IN ARGENTINA, Una tierra para todos (Hunyo 2005), 19.

[114] Pahayag sa Rio Hinggil sa Kapaligiran at Kaunlaran (14 Hunyo 1992), Prinsipyo 4.

[115] Apostolikong sermon na Evangelii Gaudium (24 Nobyembre 2013), 237: AAS 105 (2013), 1116.

[116] BENEDICT XVI, Liham Ensiklikong Caritas sa Veritate (29 Hunyo 2009), 51: AAS 101 (2009), 687.

[117] Idiniin ng ilang may-akda ang mga halagahang kadalasang matatagpuan, halimbawa, sa mga villas, chabolas o favelas ng Latin America: Sg. JUAN CARLOS SCANNONE, S.J., “La irrupción del pobre y la lógica de la gratuidad”, in JUAN CARLOS SCANNONE and MARCELO PERINE (eds.), Irrupción del pobre y quehacer filosófico. Hacia una nueva racionalidad, Buenos Aires, 1993, 225-230.

[118] PONTIFICAL COUNCIL FOR JUSTICE AND PEACE, Kompendyum hinggil sa Panlipunang Doktrina sa Simbahan, 482.

[119] Apostolikong sermon na Evangelii Gaudium (24 Nobyembre 2013), 210: AAS 105 (2013), 1107.

[120] Pahayag sa German Bundestag, Berlin (22 Setyembre 2011): AAS 103 (2011), 668.

[121] Katekesis (15 Abril 2015): L’Osservatore Romano, 16 Abril 2015, p. 8.

[122] SECOND VATICAN ECUMENICAL COUNCIL, Pastoral na Konstitusyon sa Simbahan Hinggil sa Modernong Mundo Gaudium et Spes, 26.

[123] Sg. Nos. 186-201: AAS 105 (2013), 1098-1105.

[124] PORTUGUESE BISHOPS’ CONFERENCE, Pastoral na Pahayag Responsabilidade Solidária pelo Bem Comum (15 Setyembre 2003), 20.

[125] BENEDICT XVI, Mensahe para sa 2010 Pandaigdigang Araw ng Kapayapaan, 8: AAS 102 (2010), 45.

[126] Pahayag sa Rio Hinggil sa Kapaligiran at Kaunlaran (14 Hunyo 1992), Principle 1.

[127] BOLIVIAN BISHOPS’ CONFERENCE, Pastoral na Pahayag hinggil sa Kapaligiran at Pag-unlad ng Tao sa Bolivia El universo, don de Dios para la vida (Marso 2012), 86.

[128] PONTIFICAL COUNCIL FOR JUSTICE AND PEACE, Enerhiya, Katarungan at Kapayapaan, IV, 1, Lungsod ng Vatican (2014), 53.

[129] BENEDICT XVI, Liham Ensiklikong Caritas sa Veritate (29 Hunyo 2009), 67: AAS 101 (2009).

[130] Apostolikong sermon na Evangelii Gaudium (24 Nobyembre 2013), 222: AAS 105 (2013), 1111.

[131] PONTIFICAL COUNCIL FOR JUSTICE AND PEACE, Kompendyum hinggil sa Panlipunang Doktrina sa Simbahan, 469.

[132] Pahayag sa Rio Hinggil sa Kapaligiran at Kaunlaran (14 Hunyo 1992), Principle 15.

[133] Sg. MEXICAN BISHOPS’ CONFERENCE, EPISCOPAL COMMISSION FOR PASTORAL AND SOCIAL CONCERNS, Jesucristo, vida y esperanza de los indígenas e campesinos (14 Enero 2008).

[134] PONTIFICAL COUNCIL FOR JUSTICE AND PEACE, Kompendyum hinggil sa Panlipunang Doktrina sa Simbahan, 470.

[135] Mensahe para sa 2010 Pandaigdigang Araw ng Kapayapaan, 9: AAS 102 (2010), 46.

[136] Ibid.

[137] Ibid., 5: p. 43.

[138] BENEDICT XVI, Liham Ensiklikong Caritas sa Veritate (29 Hunyo 2009), 50: AAS 101 (2009), 686.

[139] Apostolikong sermon na Evangelii Gaudium (24 Nobyembre 2013), 209: AAS 105 (2013), 1107.

[140] Ibid., 228: AAS 105 (2013), 1113.

[141] Sg. Liham Ensiklikong Lumen Fidei (29 Hunyo 2013), 34: AAS 105 (2013), 577: "Maging ang liwanag ng pananampalataya, na sumama sa katotohanan ng pag-ibig, mula sa labas sa materyal na mundo, pagkat ang pag-ibig ay palaging nananahan sa katawan at espiritu; angliwanag ng pananampalataya ay isang nagkatawang-taong liwanag na tumatagos sa nagniningning na buhay ni Hesus. Tinatanglawan din nito ang materyal na mundo, pinagkakatiwalaan ang likas niyang pagkakaayos, at nababatid na tinatawag tayo nito patungo sa lumalawak na landasin ng pagkakaisa't pang-unawa. Ang pagtitig sa agham na nagbebenepisyo mula sa pananampalataya: hinihikayat ng pananampalataya ang siyentipiko na laging manatiling bukas sa katotohanan sa lahat ng hindi mauubos na kayamanan nito. Pinupukaw ng pananampalataya ang kritikal na pagkaunawa upang mapigilan ang pananaliksik na masiyahan lang sa sarili nitong mga pormula at matulungan itong mapagtanto na mas mataas ang kalikasan. Sa pamamagitan ng pagpapasigla ng paghanga bago ang malalim na misteryo ng paglikha, pinalalawak ng pananampalataya ang kaligiran ng katwiran upang magbato ng mas higit na liwanag sa daigdig na ibinubinyag ang sarili nito sa pang-agham na pagsisiyasat".

[142] Apostolikong sermon na Evangelii Gaudium (24 Nobyembre 2013), 256: AAS 105 (2013), 1123.

[143] Ibid., 231: p. 1114.

[144] ROMANO GUARDINI, Das Ende der Neuzeit, ika-9 na edisyon, Würzburg, 1965, 66-67 (English: Ang Wakas ng Modernong Mundo, Wilmington, 1998, 60).

[145] JUAN PAOLO II, Mensahe para sa Pandaigdigang Araw ng Kapayapaan 1990, 1: AAS 82 (1990), 147.

[146] BENEDICT XVI, Liham Ensiklikong Caritas sa Veritate (29 Hunyo 2009), 66: AAS 101 (2009), 699.

[147] ID., Mensahe para sa 2010 Pandaigdigang Araw ng Kapayapaan, 11: AAS 102 (2010), 48.

[148] Tsarter ng Daigdig, Sa Hague (29 Hunyo 2000).

[149] JUAN PAOLO II, Liham Ensiklikong Centesimus Annus (1 Mayo 1991), 39: AAS 83 (1991), 842.

[150] ID., Mensahe para sa Pandaigdigang Araw ng Kapayapaan 1990, 14: AAS 82 (1990), 155.

[151] Apostolikong sermon na Evangelii Gaudium (24 Nov 2013), 261: AAS 105 (2013), 1124.

[152] BENEDICT XVI, Homiliya para sa Taimtim na Pagpapasinaya sa Ministeryong Petrine (24 Abril 2005): AAS 97 (2005), 710.

[153] AUSTRALIAN CATHOLIC BISHOPS’ CONFERENCE, A New Earth – The Environmental Challenge (2002).

[154] ROMANO GUARDINI, Das Ende der Neuzeit, 72 (Ang Wakas ng Modernong Mundo¸ 65-66).

[155] Apostolikong sermon na Evangelii Gaudium (24 Nobyembre 2013), 71: AAS 105 (2013), 1050.

[156] BENEDICT XVI, Liham Ensiklikong Caritas sa Veritate (29 Hunyo 2009) 2: AAS 101 (2009), 642.

[157] PAUL VI, Mensahe para sa 1977 Pandaigdigang Araw ng Kapayapaan: AAS 68 (1976), 709.

[158] PONTIFICAL COUNCIL FOR JUSTICE AND PEACE, Kompendyum hinggil sa Panlipunang Doktrina sa Simbahan, 582.

[159] Ipinagdiinan ng espirituwal na manunulat na si Ali al-Khawas mula sa sarili niyang karanasan ang pangangailangang huwag gaanong maglagay ng distansya sa pagitan ng mga nilalang ng mundo at ang panloob na karanasan ng Diyos. Tulad ng sinabi niya: "Ang pinsala ay hindi mapupuna ang mga taong naghahangad ng lubos na kaligayahan sa musika o tula. May banayad na misteryo sa bawat isa sa mga paggalaw at mga tunog ng mundong ito. mahuhuli ng nagsimula kung ano ang sinabi pag umihip ang hangin, umugoy ang mga puno, dumaloy ang tubig, naghigingan ang mga langaw, lumangitngit ang mga pinto, umawit ang mga ibon, o sa tunog ng mga bagting o plawta, ang buntong-hininga ng mga maykaramdaman, ang panaghoy ng mga nagdadalamhati..." (EVA DE VITRAY-MEYEROVITCH [ed.], Anthologie du soufisme, Paris 1978, 200).
[160] In II Sent., 23, 2, 3.

[161] Cántico Espiritual, XIV, 5.

[162] Ibid.

[163] Ibid., XIV, 6-7.

[164] Juan Paolo II, Apostolic Letter Orientale Lumen (2 Mayo 1995), 11: AAS 87 (1995), 757.

[165] Ibid.

[166] ID., Liham Ensiklikong Ecclesia de Eucharistia (17 Abril 2003), 8: AAS 95 (2003), 438.

[167] Benedicto XVI, Homiliya para sa Misa ng Corpus Domini (15 Hunyo 2006): AAS 98 (2006), 513.

[168] Katekismo ng Simbahang Katoliko, 2175.

[169] JUAN PAOLO II, Katekesis (2 Agosto 2000), 4: Insegnamenti 23/2 (2000), 112.

[170] Quaest. Disp. de Myst. Trinitatis, 1, 2 concl.

[171] Sg. Tomas Aquinas, Summa Theologiae, I, q. 11, art. 3; q. 21, art. 1, ad 3; q. 47, art. 3.


[172] Si Basil ang Dakila, Hom. in Hexaemeron, I, 2, 6: PG 29, 8.

talata 241-245

VIII. REYNA NG LAHAT NG NILALANG

241. Si Maria, ang Inang nag-alaga kay Hesus, ngayon ay nangangalaga ng may pagmamahal ng isang ina at pasakit para sa sugatang mundo. Tulad ng pagdadalamhati ng sugatan niyang puso sa pagkamatay ni Hesus, at ngayon ay namimighati siya sa mga paghihirap ng mga dukhang ipinako sa krus at para sa mga nilalang ng mundong ito na sinira ng kapangyarihan ng tao. Ganap na nagbagong-anyo, nabuhay siya ngayong kasama ni Hesus, at ang lahat ng nilalang ay umaawit hinggil sa kanyang pagkamakatarungan. Siya ang Babae, "dinamitan ng araw, kasama ang buwan na nasa kanyang paanan, at sa kanyang ulo ang koronang may labindalawang bituin" (Rev 12:1). Binuhat siya patungong kalangitan, siya ang Ina at Reyna ng lahat ng nilalang. Sa maluwalhati niyang katawan, kasama ang Kristong Nabuhay Muli, narating ng bahagi ng sangnilikha ang kaganapan ng kariktan nito. Pinahahalagahan niya ang buong buhay ni Hesus sa kanyang puso (sg. Lk 2: 19,51), at ngayon ay nauunawaan ang kahulugan ng lahat ng bagay. Kaya, maaari nating hilingin sa kanya na kayanin nating tingnan ang mundong ito ng may mga mata ng karunungan.

242. Sa kanyang tabi sa Banal na Mag-anak ng Nazareth ay nakatindig ang pigura ni San Jose. Sa pamamagitan ng mga gawa ni San Jose at bukas-palad nitong pakikitungo, iningatan niya at ipinagtanggol sina Maria at Hesus, at inilayo sila sa mga karahasang dulot ng mga di-makatarungan sa pamamagitan ng pagdadala sa kanila sa Ehipto. Itinanghal ng Ebanghelyo si Jose bilang isang makatarungang tao, masipag at malakas. Subalit nagpakita rin siya ng dakilang kagiliwan, na hindi tanda ng kahinaan kundi ng mga taong tunay na malakas, ganap na gagap ang reyalidad at handang magmahal at maglingkod ng may pagpapakumbaba. Iyon ang dahilan kung bakit ipinahayag siyang tagapangalaga pandaigdigang Simbahan. Siya rin ay nakapagtuturo sa atin kung paano mangalaga; binibigyang-sigla rin niya tayo upang kumilos ng may kabutihang-loob at may pagkagiliw sa pagprotekta sa mundong itong ipinagkatiwala sa atin ng Diyos. 

IX. SA KABILA NG ARAW

243. Sa huli, mahahanap natin sa ating sarili ng harap-harapan ang walang katapusang kariktan ng Diyos (sg. 1 Cor 13:12), at makakayang basahin ng may paghanga at kasiyahan ang misteryo ng sanlibutan, na kasama nating ibabahagi sa walang hanggang kasaganahan. Kahit na naglalakbay tayo ngayon patungo sa sabbath ng kawalang-maliw, ang bagong Herusalem, patungo sa ating tahanan sa kalangitan. Sinabi ni Hesus: "Ginagawa kong bago ang lahat ng bagay" (Rev 21:5). Ang buhay na walang hanggan ay isang ibinahaging danas ng paghanga, kung saan ang bawat nilalang, na maliwanag na nagbagong-anyo, ay hahantong sa kanyang wastong lugar at may mga bagay na iaalay sa mga dukhang lalaki't babae na lubusan nang mapapalaya. 

244. Samantala, nagsasama-sama tayo upang pangalagaan ang tahanang ito na ipinagkatiwala sa atin, na nababatid na ang lahat ng bagay na umiiral dito ay dadalhin para sa makalangit na piging. Sa pakikipagkaisa sa lahat ng nilalang, naglalakbay tayo sa lupaing ito sa paghahanap sa Diyos, sapagkat "kung ang daigdig ay may simula at kung ito ay nilikha, dapat nating usisain kung sino ang nagbigay ng simula nito, at sino ang Lumikha". [172] Umawit tayo habang naglalakbay. Nawa ang ating pakikibaka at ang ating malasakit sa planetang ito ay hindi alisin ang kagalakan ng ating pag-asa.

245. Ang Diyos, na tinawag tayo para sa mapagkaloob na panata at upang ibigay sa kanya ang ating lahat, ay nag-aalok sa atin ng liwanag at kalakasang kinakailangan upang makapagpatuloy sa ating landas. Sa pusod ng mundong ito, ang Panginoon ng buhay, na umiibig ng labis-labis sa atin, ay laging naririyan. Hindi niya tayo iniwan, hindi niya tayo pinabayaang mag-isa, sapagkat tahasan niyang pinag-isa ang kanyang sarili sa ating sangkalupaan, at ang kanyang pag-ibig ay laging nanghihikayat sa ating maghanap ng bagong pamamaraan pasulong. Purihin siya!

Itutuloy...

Martes, Setyembre 15, 2015

talata 236-240

236. Doon sa Eukaristiya matatagpuan ng lahat ng nilalang ang napakadakilang pagpaparangal. Ang biyaya, kung saan maaaring tiyak na ipakilala ang sarili, ay nakatagpo ng hindi madadaig na pagpahayag pag naging tao mismo ang Diyos at inialay ang sarili bilang pagkain ng kanyang mga nilikha. Pinili ng Panginoon, sa paghantong sa misteryo ng pagkakatawang-tao, upang maabot ang ating matalik na kaibuturan sa pamamagitan ng isang piraso ng bagay. Hindi siya dumating mula sa itaas, kundi mula sa loob, dumating siya upang siya'y ating matagpuan sa ating daigdig. Sa Eukaristiya, natamo na'y lubusan; iyon ang buhay na sentro ng sanlibutan, ang umaapaw na pag-ibig at ng hindi masasaid na buhay. Kasama ng nagkatawang-taong Anak, na naroroon sa Eukaristiya, nagpapasalamat sa Diyos ang buong kosmos. Tunay ngang ang mismong Eukaristiya'y isang pagkilos ng pandaigdigang pag-ibig: "Opo, pandaigdigan! Dahil kahit na ito'y ipinagdiwang sa mapagkumbabang dambana ng isang simbahan sa nayon, palaging sa ilang paraan ang Eukaristiya'y ipinagdiriwang sa damban ng mundo". [166] Sumama sa langit at lupa ang Eukaristiya; ito'y niyayapos at tumatagos sa lahat ng nilikha. Ang daigdig na lumitaw mula sa mga kamay ng Diyos ay bumabalik sa kanya ng may pinagpala't sama-samang pagpuri: sa tinapay ng Eukaristiya, "ang paglikha ay inaasahang patungo sa pagiging dakila, patungo sa banal na piging ng kasal, patungo sa pakikipagkaisa sa mismong Lumikha". [167] Sa gayon, ang Eukaristiya ay isa ring piagmumulan ng liwanag at nilalayon para sa ating pagmamalasakit sa kapaligiran, inaakay tayo upang maging katiwala ng lahat ng sangnilikha.

237. Sa araw ng Linggo, ang pakikilahok natin sa Eukaristiya ay may espesyal na kahalagahan. Ang araw ng Linggo, tulad ng Sabbath ng mga Hudyo, ay nangangahulugang isang araw upang paghilumin ang ating pakikipag-ugnayan sa Diyos, sa ating sarili, sa ating kapwa at sa mundo. Ang araw ng Linggo ang araw ng Muling Pagkabuhay, ang "unang araw" ng bagong nilikha, na ang unang bunga ay ang nabuhay na sangkatauhan ng Panginoon, ang panata ng huling pagbabagong-anyo ng lahat ng nalikhang reyalidad. Ipinahahayag din nito "ang walang hanggang pamamahinga ng tao sa Diyos". [168] Sa ganitong paraan, inilalakip sa ispiritwalidad Kristyano ang halaga ng pamamahinga at kasiyahan. Madalas tayong kumilos na ang pagninilay na pahinga ay isang bagay na walang bunga at hindi kinakailangan, subalit may kinalaman ito sa mismong bagay na napakahalaga tungkol sa paggawa: ang kahulugan nito. Tinawag tayo na isama sa ating trabaho ang kahalagahan ng pagtanggap at pabuya, na lubos na naiiba mula sa payak na kawalang pagkilos. Sa halip, isa itong pamamaraan ng paggawa, na bumubuo ng bahagi ng ating pinakadiwa. pinoprotektahan nito ang pagkilos ng tao mula sa pagiging hungkag na aktibismo; pinipigilan din nito ang di-mapigil na kadakiman at pagkakahiwalay na ginagawa tayong palahanap ng sariling pakinabang kahit mapinsala pa ang iba. Ipinagbabawal ng batas sa lingguhang pamamahinga na magtrabaho sa ikapitong araw, "upang makapagpahinga ang iyong baka at ang iyong bisiro, at ang anak ng iyong lingkod na babae, at ang dayo, ay mapreskuhan" (Ex 23:12). Iminumulat ng pahinga ang ating mata sa mas malawak na larawan at binibigyan tayo nito ng nagpapanumbalik na sensitibidad sa karapatan ng kapwa. At kaya ang araw ng pamamahinga, na nakasentro sa Eukaristiya, ang nagbihay liwanag sa buong linggo, at nag-uudyok sa atin sa mas matinding pag-aalala sa kalikasan at sa mga dukha.

VII. ANG TRINIDAD AT ANG UGNAYAN SA PAGITAN NG MGA NILALANG

238. Ang Ama ang pangunahing pinagmumulan ng lahat-lahat, ang mapagmahal at nakikipag-ugnayan sa sariling saligan ng lahat ng umiiral. Ang anak, ang kanyang pagninilay, kung saan lahat ng bagay ay nilikha, ay ipinagkaisa ang kanyang sarili sa sangkalupaang ito nang siya'y nabuo sa sinapupunan ni Maria. Ang Espiritu, ang walang katapusang bigkis ng pagmamahal, ang matalik na naroroon sa pinakapuso ng sanlibutan, nagbibigay-sigla at nagdadala ng bagong mga daanan. Nilikha ang daigdig ng tatlong Persona na kumikilos bilang iisang banal na simulain, ngunit bawat isa sa kanila'y kumilos sa nagkakaisang gawa batay sa kanilang sariling katangian. Bunga nito, "kapag pinagnilayan natin ng may pagkamangha ang sanlibutan sa lahat ng karangalan at kariktan nito, dapat nating papurihan ang buong Trinidad". [169]

239. Para sa mga Kristyano, ang maniwala sa isang Diyos na nasa pakikipagkaisa sa trinitaryano ay nagpapahiwatig na nag-iwan ng bakas ang Trinidad sa lahat ng nilalang. Sinabi pa sa kalaunan ni San Buenaventura na ang sangkatauhan, bago magkasala, ay nakita kung paanong ang bawat nilalang ay "nagpatotoo na ang Diyos ay tatlo". Ang pagninilay sa Trinidad ay naroroon upang makilala sa kalikasan "kung saan ang aklat na iyon ay bukas sa tao at nang hindi pa nangingitim ang ating mga mata". [170] Ipinangaral ng santong Franciscano na dinadala ng bawat nilalang sa kanyang sarili ang isang ispesipikong istrakturang Trinitaryano, na sadyang totoo na maaari agad itong pagnilayan kundi lang ang titig ng tao ay hindi gaanong kumikiling, madilim at marupok. Sa ganitong paraan, ipinunto niya sa atin ang hamon ng pagtatangkang basahin ang reyalidad sa isang susing Trinitaryano.

240. Ang mga Taong banal na tuluy-tuloy ang ugnayan, at ang mundo, na nilikha ayon sa banal na modelo, ay isang talakop ng pakikipag-ugnayan. Maaaring tumungo sa Diyos ang mga nilalang, at kasunod nito'y wasto lamang sa bawat nabubuhay na magtungo sa iba pang mga bagay, upang sa lawak ng sanlibutan makatagpo tayo ng anupamang bilang ng palagian at lihim na sala-salabat na pakikipag-ugnayan. [171] Dadalhin tayo nito hindi lang upang hangaan ang sari-saring ugnayang umiiral sa mga nilalang, kundi upang matuklasan ang susi ng ating sariling kasiyahan. Ang isang tao'y mas lumalago, mas nahihinog at mas bumabanal lalo't pumapasok siya sa isang ugnayan, kinakaligtaan na ang sarili upang mamuhay kaisa ng Diyos, kasama ang kapwa at ang lahat ng nilalang. Sa ganitong paraan, ginawa nilang sarili ang dinamismong trinitaryano na itinatak sa kanila nang sila'y nilikha. Ang lahat ng bagay ay nagkakaugnayan, at inaanyayahan tayo nitong bumuo ng ispiritwalidad ng daigdigang pagkakaisang iyon na dumadaloy mula sa misteryo ng Trinidad. 

Itutuloy...

Miyerkules, Setyembre 9, 2015

talata 231-235

231. Ang pag-ibig, na umaapaw sa mumunting mga gawa ng sama-samang pangangalaga, ay pambayan at pampulitika rin, at pinararamdam ito sa bawat aksyon sa paghahanap na mabuo ang isang mas magandang mundo. Ang pag-ibig para sa lipunan at panata para sa pangkalahatang kagalingan ay mga katangi-tanging pagpapahayag ng isang pagkakawanggawang nakaaapekto hindi lamang sa ugnayan sa pagitan ng mga indibidwal kundi pati na rin sa "ugnayang makro, panlipuna, pang-ekonomya at pampulitika". [156] Ito ang dahilan kung bakit itinakda ng Simbahan sa mundo ang ideya ng isang "kabihasnan ng pag-ibig". [157] Ang panlipunang pag-ibig ang susi sa tunay na pag-unlad; upang mas maging makatao ang lipunan, mas karapat-dapat sa tao, dapat ipagkaloob ang pag-ibig sa buhay panlipunan - pampulitika, pang-ekonomya at pangkultura - ng may muling pagpapahalaga, na nagiging palagian at pinakamataas na pamantayan ng lahat ng gawain". [158] Sa ganitong balangkas, kasama na ang kahalagahan ng mumunting pagkilos araw-araw, pinakikilos tayo ng panlipunang pag-ibig na mag-isip ng mas malalaking istratehiya upang mapigil ang pagkasira ng kapaligiran at makahikayat ng isang "kultura ng pangangalaga" na tumatagos sa lahat ng lipunan. Kapag nadama natin na tinatawag tayo ng Diyos na makialam kasama ng ating kapwa sa mga ganitong panlipunang dinamiko, dapat natng mapagtanto na ito rin ay bahagi ng ating ispiritwalidad, na isang gawain ng pagkakawanggawa at, sa gayon, ay nagpapahinog at nagpapabanal sa atin.

232. Hindi lahat ay tinawag upang direktang kumilos sa buhay pampulitika. Mayaman din ang lipunan sa hindi mabilang na dami ng samahang kumikilos upang itaguyod ang pangkalahatang kagalingan at upang ipagtanggol ang kapaligiran, ito may ay likas o nasa lungsod. Halimbawa, ang ilan ay nagpapakita ng malasakit sa mga pampublikong lugar (sa gusali, sa balong ng tubig, sa napabayaang bantayog, sa paysahe, sa parisukat) at pagsumikapang maprotektahan, maibalik, mapabuti o mapaganda ito bilang isang bagay na pag-aari ng lahat. Sa palibot ng ganitong mga aksyong pampamayanan, nabubuo ang mga relasyon o nababawat at isang bagong panlipunang balangkas ang lumilitaw. Kaya, maaaring magsimula ang pamayanan sa kawalang-bahalang idinulot ng konsyumerismo. Nililinang ng mga pagkilos na ito ang sama-samang pagkakakilanlan,  na may kwentong maaaring magunita at maipasa. Sa ganitong paraan, ang mundo, at ang kalidad ng buhay ng mga pinakadukha, ay inaalagaan, nang may pagkakaisa kasabay ng kamalayang nabubuhay tayo sa isang pangkalahatang tahanang ipinagkatiwala sa atin ng Diyos. Maaaring maging masidhing ispiritwal na danas ang mga pampamayanang pagkilo na ito, kapag ipinahayag sa pag-ibig na nag-aalay ng sarili. 

VI. MGA PALATANDAAN NG SAKRAMENTO AT ANG PAGDIRIWANG NG IBA PA

233. Nabubunyag ang sandaidigan sa Diyos, na lubusan itong pinupuno. Samakatwid, may mahiwagang kahulugang matatagpuan sa dahon, sa landas sa bundok, sa isang patak ng hamog, sa muha ng isang dukha. [159] Ang ideyal ay hindi lamang maupasa mula sa labas patungo sa loob upang matuklasan ang pagkilos ng Diyos sa kaluluwa, kundi ang matuklasan din ang Diyos sa lahat ng bagay. Itinuturo sa atin ni San Buenaventura na "lumalalim ang pagninilay habang nadarama natin ang pagkilos ng biyaya ng Diyos sa ating mga puso, at mas mahusay nating natututunang makaharap ang Diyos sa mga nilalang na labas sa ating sarili". [160]

234. Itinuro sa atin ni San Juan ng Krus na ang lahat ng kabutihang naroon sa mga reyalidad at karanasan sa mundong ito "ay may presensya sa Diyos nang may kadakilaan at walang katapusan, o sa mas maayos, sa bawat kahanga-hangang reyalidad na ito ay ang Diyos". [161] Hindi ito dahil ang mga may katapusang bagay ay talagang banal, kundi dahil ang mga mahiwagang karanasan ang malapit na ugnay sa pagitan ng Diyos at ng lahat ng nilalang, at sa gayon ay madamang "ang lahat ng bagay ay Diyos". [162] Namamangha tayong nakatindig sa isang bundok, hindi maihihiwalay ninuman ang karanasang ito mula sa Diyos, at maunawaang ang panloob na takot habang nabubuhay ay dapat ipagkatiwala sa Panginoon: ""Ang mga bundok ay may taas at ang mga ito'y sagana, malawak, maganda, kaaya-aya, maliwanag at mahalimuyak. Ang mga bundok na ito ay siyang Minamahal ko sa akin. Ang malulungkot na lambak at tahimik, kaaya-aya, mahinahon, makulomlim at inaagusan ng sariwang tubig; sa sari-sari nilang halamaman at ang matawis na awit ng mga ibon, kaya nilang magkaroon ng masaganang kaaliwan at kagalakan sa sarili, at sa kanilang pag-iisa at katahimikan, pinapanariwa nila tayo at pinagpapahinga. Ang mga lambak na ito ay siyang Minamahal ko sa akin. [163]

235. Ang Sakramento ay may pribilehiyong paraan kung saan ang kalikasan ay pinanghawakan ng Diyos bilang isang paraan upang mamagitan sa kahima-himalang buhay. Sa pamamagitan ng ating pagsamba sa Diyos, inaanyayahan tayong yakapin ang mundo sa naiibang kalagayan. Ang tubig, langis, apoy at kulay ay tinatanganan sa lahat ng kanilang makahulugang kapangyarihan at isinasama sa ating pagpupuri. Ang kamay na nagbabasba ay isang instrumento ng pag-ibig ng Diyos at isang salaminan ng pagkakalapit ni HesuKristo, na dumating upang samahan tayo sa paglalakbay sa buhay. Ang tubig na ibinuhos sa katawan ng isang bata sa Pagbibinyag ay isang sagisag ng bagong buhay. Ang pakikipagharap sa Diyos ay hindi nangangahulugang pag-alis sa mundong ito o pagtalikod sa kalikasan. ito'y sadyang malinaw sa ispiritwalidad ng Kristanong Silangan. "Ang kagandahan, kung saan sa Silangan ay isa sa pinakaiibig na pangalan na nagpapahayag ng banal na pagkaakisa at isang modelo ng nagbabagong-anyong sangkatauhan, ay lumilitaw sa lahat ng dako: sa hugis ng isang simbahan, sa mga tunog, sa mga kulay, sa mga liwanag, sa mga halimuyak". [164] Para sa mga Kristyano, lahat ng nilalang sa materyal na sandaigdigan ay nakahahanap ng kanilang tunay na kahulugan sa Salitang nagkatawang-tao, pagkat isinama ng Anak ng Diyos sa kanyang pagkatao ang bahagi ng materyal na mundo, inihahasik dito ang binhi ng tiyak na pagbabago. Hindi itinatakwil ng Kristyanismo ang bagay. Sa halip, ang pagkakatawan ay itinuturing sa lahat ng galaga nito sa maliturhiyang pagkilos, kung saan ang katawan ng tao ay nailalantad sa panloob na katangian nito bilang isang templo ng Espiritu Santi at nakipagkaisa sa Panginoong Hesus, na mismong siya'y kumuha ng katawan para sa kaligtasan ng mundo". [165]

Itutuloy...

talata 226-230

226. Nagsasalita tayo hinggil sa kinagawian ng puso, yaong tumutugon sa buhay ng may payapang kasigasigan, na kayang maging ganap na naroroon sa isang tao nang hindi iniisip kung anong susunod, na tinatanggap ang bawat saglit bilang kaloob ng Diyos upang mabuhay ng lubusan. Itinuro ni Hesus ang kagawiang ito nang inanyayahan niya tayong pagnilayan ang mga liryo sa bukid at ang mga ibon sa himpapawid, o kaya'y pag nakakita ng isang mayamang binata at nababatid ang kanyang pagkabalisa, "siya'y tiningnan niya ng may pagmamahal" (Mk 10:21). Ganap siyang naroroon sa bawat tao at sa bawat bagay, at sa paraang ito'y ipinakita niya ang landas upang mapagtagumpayan ang pagkabalisang nakasasama sa kalusugan upang tayo'y maging mababaw, mapusok at mapilit na mamimili.

227. Isang pagpapahayag ng kagawiang ito ay kung tumigil tayo at nagpasalamat sa Diyos bago at matapos kumain. Hinihiling ko sa lahat ng mananampalataya na balikan ang kaugaliang itong maganda at makabuluhan. Ang sandaling yaon ng pagpapala, gaano man kaikli, ay nagpapagunita sa atin ng ating pagtitiwala sa Diyos para sa buhay; pinatitibay nito ang ating damdamin ng pasasalamat sa mga kaloob sa sangnilikha; kinikilala nito na yaong dahil sa kanilang paggawa ay nagbigay sa atin ng mga bagay na ito; at muling nagpatibay sa ating pakikiisa sa mga higit na nangangailangan. 

V. PAG-IBIG NA PAMBAYAN AT PAMPULITIKA

228. Ang pangangalaga sa kalikasan ay bahagi ng paraan ng pamumuhay kung saan kasama ang kakayahang mamuhay ng sama-sama at may pakikipagkaisa. Ipinaalala sa atin ni Hesus na tayo'y may Diyos na ating pangkalahatang Ama at ito ang dahilan kung bakit tayo'y magkakapatid. Ang pangkapatirang pagmamahal ay maaari lamang maging walang batayan; hindi ito magiging isang paraan ng pagbabayad sa mga nagawa nila at gagawin pa para sa atin. Kaya maaari nating mahalin ang ating mga kaaway. Ang ganito ring pagkawalang batayan ang nagpapasigla sa atin upang magmahal at tanggapin ang hangin, ang araw at mga alapaap, kahit na hindi natin mapangasiwaan ang mga ito. Sa puntong ito, nagsasalita tayo ng isang "pangkalahatang pagkakapatiran".

229. Kailangan nating bawiin ang paniniwalang kailangan natin ang bawat isa, na nagbabahaginan tayo ng pananagutan sa ating kapwa at sa mundo, at mahalaga dito ang pagiging mabuti at disente. Labis-labis na ang imoralidad at ang panlilibak sa etika, kabutihan, pananampalataya at katapatan. Panahon nang kilalaning walang idinulot na mabuti ang kasiya-siyang kababawan. Kapag nasisira na ang pundasyon ng buhay-panlipunan, humahantong na ito sa tunggalian ng mga nagkakasalungatang interes, bagong anyo ng karahasan at kalupitan, at mga balakid sa paglago ng isang tinay na kultura ng pangangalaga ng kapaligiran. 

230. Inaanyayahan tayo ni Santa Teresita ng Lisieux na isagawa ang munting paraan ng pagmamahal, na walang nakakaligtaang mabuting salita, isang ngito o anumang munting pagkilos upang ihasik ang kapayapaan at pagkakaibigan. Binubuo ng mumunting gawa araw-araw ang mahalagang ekolohiya na sumisira sa lohika ng karahasan, pagsasamantala at pagkamakasarili. Sa dulo, isang mundo ng malubhang pagkonsumo kasabay ng mundong umaabuso sa buhay sa lahat ng anyo.

Itutuloy...

Lunes, Setyembre 7, 2015

talata 221-225

221. Ang iba't ibang paniniwala, na nabuo sa pagsisimula ng Ensiklikong ito, ay maaaring makatulong sa atin upang mapagyaman ang kahulugan ng pagpapanibagong ito. Kabilang dito ang kamalayang sinasalamin ng bawat nilalang ang anumang sa Diyos at may mensaheng ipinararating sa atin, at ang katiyakang tangan ni Kristo sa kanyang sarili ang materyal na mundong ito at ngayon, muling binuhay, ay may presensya sa  bawat nilalang, na pinaliligiran ng kanyang pag-ibig at pinapasok ito ng kanyang liwanag. Gayundin naman, nariyan ang pagkilalang nilikha ng Diyos ang daigdig, isinulat ito sa isang kaayusan at isang dinamismong ang sangkatauhan ay walang karapatang tanggihan. Nabasa natin sa Ebanghelyo na sinabi ni Hesus sa mga ibon sa himpapawid na "walang isa man sa kanila ang nakakaligtaan sa harap ng Diyos" (Lukas 12:6). Kaya paano natin maaaring maabuso o mapinsala sila? Hiniling ko sa lahat ng Kristyano na kilalanin at masiglang isabuhay ang dimensyong ito ng kanilang pagpapanibago. Nawa ang kapangyarihan at liwanag ng biyayang ating natatanggap ay maging patunay din ng ating pakikipag-ugnayan sa iba pang nilikha at sa mundong nakapaligid sa atin. Sa ganitong paraan, makatutulong tayo sa pangangalaga ng dakilang pakikipagkapatiran sa iba pang nilalang na nagniningning na kinakatawan ni San Francisco ng Assisi.

IV. KAGALAKAN AT KAPAYAPAAN

222. Iminumungkahi ng Kristyanong ispiritwalidad ang isang alternatibong pagkaunawa sa kalidad ng pamumuhay, at nanghihikayat ng isang pambihira at mapagnilay na paraan ng pamumuhay, yaong may kakayahang magkaroon ng taos na kaligayahan nang malaya sa pagkahumaling sa pagkonsumo. Dapat tayong kumuha ng sinaunang aralin, na matatagpuan sa iba't ibang relihiyosong tradisyon at maging sa Bibliya. Ito ang paniniwalang "ang kakaunti ang siyang nakararami". Ang walang tigil na pagbaha ng mga bagong kalakal ay maaaring makataranta sa puso at makapigil sa atin upang itampok ang bawat bagay at bawat sandali. Upang mapayapang itanghal ang bawat reyalidad, gaano man ito kaliit, ay nagbubukas sa atin ng pang-unawang ng mas malawak at pansariling katuparan. Iminumungkahi ng Kristyanong ispiritwalidad ang isang paglagong may tanda ng kahinahunan at ng kakayahang maging masaya sa maliit. Ang pagbabalik na iyon sa pagiging payak ang nagpapahintulot sa atin upang tumigil at ikalugod ang mumunting bagay, ang pagtanaw ng utang na loob sa mga inilaang pagkakataon ng buhay sa atin, upang maging ispiritwal na hiwalay sa anumang tinataglay natin, at huwag malugmok sa kalungkutan dahil sa anumang kulang sa atin. Nagpapahiwatig itong pag-iwas sa dinamika ng pamamahala at sa pagtitipon lamang ng kagalakan.

223. Nakapagpapalaya ang gayong pagtitimpi, kapag isinabuhay ng malaya at alam. Hindi iyon mas maliit na pamumuhay o ang isa'y nabubuhay nang di gaanong marubdob. Sa kabaligtaran, isa itong pamamaraan ng pamumuhay ng ganap. Sa katotohanan, yaong mas nagagalak at mas namumuhay ng mabuti sa bawat sandali ay yaong mga taong isinuko na ang paghahanap dito at doon, na palaging nakatanghod sa kung ano ang wala sila. Naranasan nila kung ano ang kahulugan ng pagpapahalaga sa bawat tao at sa bawat bagay, na pinag-aaralan ang lubos na pagkilala sa mga pinakasimpleng bagay at paano nila ikalulugod ang mga iyon. Kaya naibubuhos nila ang mga pangangailangang hindi kasiya-siya, nababawasan ang kanilang pagkahumaling at pagkapagal. Kahit nabubuhay sa kaunti, nabubuhay sila ng tuluy-tuloy, lalo na kung nililinang nila ang ibang kaluguran at mahagilap ang kasiyahan sa pangkapatirang paghaharap, sa pagsisilbi, sa paglilinang ng kanilang talino, sa musika at sining, sa pakikipag-ugnayan sa kalikasan, sa panalangin. Ang kaligayahan ay nangangahulugang pag-alam na limitahan ang ilang pangangailangang nakapagpapababa sa atin, at pagiging bukas sa marami pang iba't ibang pagkakataong ibinibigay ng buhay.

224. Hindi itinatangi sa nakaraang dantaon ang pagtitimpi at pagpapakumbaba. At gayunpaman, kapag may pangkalahatang panlulupaypay sa pagsasakatuparan ng ilang kagalingan sa sarili't panlipunang pamumuhay, nagiging sanhi ito ng kawalan ng balanse, kasama na yaong pangkapaligiran. Kaya ito ang dahilan kung bakit hindi na sapat ang magsalita lamang hinggil sa integridad ng ekosistema. Dapat matapang tayong magsalita hinggil sa integridad ng buhay ng tao, ng pangangailangang itaguyod at pagkaisahin ang lahat ng mga dakilang kabutihan. Kapag nawala na ang ating kabaabang-loob, at alipinin ng ng mga posibilidad ng walang hanggang karungunan sa lahat ng bagay, hahantong tayo sa pamiminsala sa lipunan at sa kapaligiran. Hindi madaling itaguyod ang ganitong tipo ng malusog na pagpapakumbaba o masayang pagtitimpi kapag itinuring natin ang ating sarili na may awtonomiya, kapag hindi natin isinama ang Diyos sa ating buhay o pinalitan natin siya ng ating sariling pagkaako, at iisiping ating pansariling damdamin ang makapagsasabi kung ano ang tama at ano ang mali.

225. Sa kabilang banda, walang sinuman ang makapaglilinang ng isang matino at kasiya-siyang buhay nang walang kapayapaan sa kanyang sarili. Ang sapat na pagkaunawa sa ispiritwalidad ay naglalaman ng pagpuno ng kungano ang kahulugan ng kapayapaan, na higit pa kaysa kawalan ng digmaan. Ang panloob na kapayapaan ay malapit na nakaugnay sa pangangalaga ng ekolohiya at ng pangkalahatang kagalingan dahil, sa totoong pamumuhay, makikita ito sa isang balanseng sama-samang pamumuhay nang may kakayahang mamangha na nagdadala sa atin sa isang mas malalim na pag-unawa sa buhay. Ang kalikasan ay puno ng mga salita ng pag-ibig, ngunit paano natin sila pakikinggan sa gitna ng patuloy na ingay, walang hinto at nakagugulo ng puso't isipan,o ang pagsamba sa itsura? Maraming tao ngayon ang nakadarama ng malalim na kawalan ng balansa na nagtutulak sa kanila sa mga gawaing nakatataranta at nakadarama silang sila'y abala, na laging nagmamadali kung saan humahantong sila sa panliligalig sa lahat ng bagay sa kanilang paligid. Nakaapekto rin ito kung paano nila itrato ang kapaligiran. Kabilang sa isang mahalagang ekolohiya ang paglalaan ng sapat na panahon upang makabawi sa mapayapang pakikipagkasundo sa sangnilikha, na sumasalamin sa ating pamumuhay at pamantayan, at pinagninilayan ang Lumikhang naninirahan kasama natin at sa paligid natin, kung saan ang kanyang presensya "ay hindi dapat inimbento, kundi natagpuan, nabunyag". [155]

Itutuloy...

Sabado, Setyembre 5, 2015

talata 216-220

III. PAGBABALIK-LOOB SA EKOLOHIYA

216. Ang mayamang pamana ng Kristyanong ispiritwalidad, ang bunga ng dalawampung dantaon ng personal at komyunal na karanasan, ay may mahalagang ambag sa gawin ang muling pagpapanibago ng sangkatauhan. Dito'y nais kong magbigay ng ilang mungkahi sa mga Kristyano para sa pang-ekolohiyang ispiritwalidad na nakatuntong sa ating kaisipan sa ating pananampalataya, yamang ang mga turo ng Ebanghelyo ay may direktang bunga sa ating isipan, pandama at pamumuhay. Higit pa sa mga gayong ideya o konsepto, interesado ako kung paanong ang gayong ispiritwalidad ay makahihikayat sa atin na mas marubdob na magmalasakit para sa proteksyon ng ating mundo. Ang ganitong matayog na panata ay hindi maaaring panatilihin lang ng doktrina, nang walang ispiritwalidad na kayang magpasigla sa atin, nang walang "panloob na simbuyong nanghihikayat, nag-uudyok, nagpapalusog at nagbibigay ng kahulugan sa ating mga indibidwal at komyunal na pagkilos". [151] May pagkilalang ang mga Kristyano'y hindi laging napaglalaanan at nakapagbubuo ng ispiritwal na kayamanang ipinagkaloob ng Diyos sa Simbahan, kung saan ang buhay ng ispiritu ay hindi nakahiwalay sa katawan o sa kalikasan o sa makamundong yeyalidad, kundi nanirahan sa at kasama nila, sa pakikipagkaisa sa lahat ng nakapaligid sa atin. 

217. "Lumalaki ang panlabas na katotohanan sa daigdig, dahil ang panloob na katotohanan ay naging mas malawak." [152] Sa ganitong dahilan,  isa ring patawag ang krisis pang-ekolohiya tungo sa malalimang panloob na pagbabago. masasabing ang ilang namanata't madasaling Kristyano, ng may paumanhin ng reyalismo at pragmatismo, ay maaaring libakin ang mga pagpapahayag ng malasakit para sa kapaligiran. Ang iba'y pasibo; pinili nilang huwag baguhin ang kanilang mga gawi at kaya naging hindi naaayon. Kaya tanging kinakailangan nila ay isang "pagbabagong pang-ekolohiya", kung saan ang epekto ng kanilang pakikipag-ugnayan kay HesuKristo ay naging malinaw sa kanilang pakikipag-ugnayan sa mundong nakapaligid sa kanila. Ang mabuhay sa ating bokasyon bilang tagapagtanggol ng kagagwan ng Diyos ay mahalaga sa isang buhay ng katuwiran; hindi isang opsyon o sekundaryong aspekto lang ng ating karanasang Kristyano.

218. Ang isagi sa isipan ang imahe ni San Francisco ng Assisi, napagtanto natin na ang malusog na ugnayan sa sangnilikha ay isang sukat ng pangkalahatang personal na pagbabago, na nangangailangan ng pagkilala sa ating mga kamalian, pagkakasala, pagkukulang at pagkabigo, at humahantong sa taos-pusong pagsisisi at pagnanasang magbago. Ang mga obispong Australyano ay nagsabi ng kahalagahan ng gayong pagbabago upang makamit ang pakikipagkasundo sa sangnilikha: "Upang kamtin ang gayong pakikipagkasundo, dapat nating pakasuriin ang ating pamumuhay at kilalanin ang mga pamamaraang nakapipinsala sa mga nilikha ng Diyos dahil sa ating mga aksyon at kabiguang kumilos. Dapat nating maranasan ang pagbabagong-loob, o pagbabago ng puso:. [153]

219. Gayunman, ang pagpapahusay sa sarili sa bahagi ng mga indibidwal ay hindi mismong lunas sa lubhang masalimuot na kalagayang kinakaharap ng ating mundo sa kasalukuyan. Mawawala ang kakayahan at kalayaan ng mga nakabukod na tao upang makatakas sa kaisipang utilitaryan, at hahantong sa pagiging biktima ng isang hindi mabuting konsyumerismo na nawalan ng kamalayang panglipunan at pang-ekolohiya. Dapat matugunan ang mga panlipunang suliranin ng talakupan sa pamayaan at hindi lamang kabuuan ng mga mabubuting ginawa ng indibidwal. Ang gawaing ito "ay makagagawa ng matinding pangangailangan ng tao na hindi niya makakamit ito sa pamamagitan ng indibidwal na inisyatiba o kahit sa sama-samang pagsisikap ng mga taong lumaki sa pamamaraang indibidwalistiko. Ang gawain ng pangingibabaw sa mundo ay nananawagan ng unyon ng mga kasanayan at pagkakasia sa tagumpay na maaari lamang lumago mula sa lubos na naiibang gawi" [154] Ang pagbabagong pang-ekolohiya na dapat magdala ng pangmatagalang pagbabago ay isa ring pagbabagong pampamayanan.

220. Ang pagbabagong ito'y nananawagan ng ilang bilang ng kaugalian kung saan sama-samang nagsusulong ng diwa ng pangangalaga, na puno ng pagmamahal. Una, nangangailangan ito ng pagkilala ng utang na loob at walang kabayaran, isang pagkilala na ang mundo'y isang mapagmahal na handog ng Diyos, at tahimik tayong tinawag upang tularan ang kanyang kabutihang-loob sa sariling pagpapakasakit at mabuting gawa: "Huwag mong ipaalam sa iyong kaliwang kamay kung ano ang ginagawa ng iyong kanang kamay... at ang iyong Amang nakakakita ng lihim ang maggagantimpala sa iyo (Mateo 6:3-4). Nangangailangan din ito ng magiliw na kamalayan na tayo'y hindi nakahiwalay mula sa lahat ng sangnilikha, kundi kasama sa kahanga-hangang pangkalahatang pakikipagkaisa. Bilang mga mananampalataya, hindi natin tinitingnan ang mundo mula sa labas kundi mula sa loob, na nalalaman ang pagkabigkis natin sa iba pang nilalang na iniugnay ng Ama. Sa pagpapaunlad ng ating indibidwal na kakayahang bugay ng Diyos, pasisiglahin tayo ng pagbabagong pang-ekolohiya tungo sa mas malawak na pagkamalikhain at kasigasigan sa paglutas sa daigdigang suliranin at sa pag-aalay ng ating sarili sa Diyos "bilang nabubuhay na pagpapakasakit, banal at katanggap-tanggap" (Rom 12:1). Hindi natin maunawaan ang ating superyoridad bilang katwiran para sa pansariling kaluwalhatian o kawalang pananagutang pamamahala, ngunit sa halip bilang may ibang kakayahan, na sa huli'y nangangailangan ng seryosong pananagutan na nakaugat sa ating pananampalataya.

Itutuloy...